Searching for your baby's name is one of the enjoyable things to do diba? but for me its quite hard. Sa totoo lang mahirap para sakin magisip ng pangalan nya. Before we know that Baby T is a girl, we have already a name for her kaso pang boy kasi akala namin lalaki sya. But, ofcourse mas pinabonga pa ng mahal na panginoon ang pagpapala nya saamin kaya naman ang gusto kong ipangalan kay Baby T ay bonga din kasi gurlalu sya! dapat shala ang name nya haha
Papang and I, searched for a name na galing sa bible or may biblical meaning. Hindi nyo kasi naitatanong mga mamsh ung name ko ay galing sa bible. My real name is SARAIH its from the book of hebrews which means Princess, yan ung name ni SARAH na asawa ni ABRAHAM so before SARAI ang name nya na pinalitan ng SARAH, pero ung saakin ang ginawang spelling ng Dad ko ay SARAIH ang pronunciation nyan ay SARAY ganern!
Hindi narin bago saating mga pilipino na ipangalan ang mga anak natin sa mga lolo o lola nila. Naisip ko din minsan na ang gusto ko ipangalan kay Baby T ay ROSAFINA OR FINAROSE. Kasi ung pangalan ng Mommy ni Papang ay ROSALINDA at ang pangalan naman ng mom ko ay JOSEFINA. Pero hindi parin yan ung pumasa talaga na pangalan ni Baby T. haha
Sabi ni Papang baka daw pwede na ipangalan nalang daw saakin ung anak namin lagyan daw namin ng Jr. So magiging ganito pangalan nya? SARAIH TABING JR. ganern? natawa naman ako saknya mga mamsh! ganon nya ba talaga ako kamahal? para talagang ipangalan nya pa un kay Baby T? haha so moving forward, wala kaming maisip talaga as in ilang buwan din kaming naghanap at nagisip. Search dito search dun!
Minsan tinanong ko ang sarili ko bakit ba ako nahihirapan? eh babae naman ako diba? ang arte ko din naman kasi ang dami kong gustong ipangalan sakanya tapos pagsasabihin ko kay Papang hindi nya bet! Kasi ang gusto ko isa lang at maigsi ang name nya parang kami ni Papang isa lang para madali sa bata magsulat diba? pero si Papang kasi gusto nya 2 o 3 names para makapili daw sya paglaki nya kung ano gusto nya. Advance magisip si Kuya nyo ano?! Kakahanap kakahanap ayun nakakita rin kami. And Yes, may pangalan na po si Baby T namin! ang shala may pangalan na si Baby gurl! haha
Her name is ASTRYD HEART. Pang pocket book title lang ang peg ano? haha
"The name Astrid is a Scandinavian baby name. In Scandinavian the meaning of the name Astrid is: Godly strength. Derived from Germanic compounds meaning divine strength, or divine beauty. Astrid has been used by Norway's royal families for hundreds of years."- Google
Since na gusto ni Papang na may second name si Baby T at gustong gusto ko talaga ang name na HEART OR LOVE ayan ung napili naming second name nya. Pinalitan ko rin ung spelling ng first name nya para lang medyo maiba ng konti. Before din pala gusto ang name ng MARIA pero nanaig talaga ang HEART na pangalan sakin baka din siguro kasi crush ko si heart evangelista dati pa! haha
Kayo mga mamsh? kapareho ko rin ba kayo na naihirapan magisip ng pangalan para sa baby nyo? o meron na kayong naisip na pangalan agad ? share nyo naman sakin at sa iba natin mga mamsh!
And, just in case na nahihirapan din kayo magisip mga mamsh try to search here.
And, just in case na nahihirapan din kayo magisip mga mamsh try to search here.
Love,
Mommy Sasa