Oh hello there mga mamsh! I miss all of you and I miss blogging so much! Pakiramdam ko 48 years akong nawala charot!
So now since I have a little time while my Baby is sleeping, Yes yes nanganak na po ako last October 19, 2018 and this post is a little bit late. Pero sabi nga nila its better late than never! Kwento ko na muna ang aking Third trimester experience at sabay ko na ang kwento ng panganganak ko.
Bumpdate - Week 32 Day 7
Stretch marks - Naku Mamsh! bago ako manganak ung akala kong wala akong stretch mark chuchu ayun! lumabas as in! haha Well, ganern ata talaga nagpapakita sila hindi pwedeng hindi!
Maternity clothes - Bigla akong lumubo! pero kasya pa naman sakin mga damit ko, kasi naman mostly naka daster lang ako dito sa bahay! hehe
Baby movement - If last time mahihin sya sa loob ng tummy ko this time hindi na mga ateng! ang likot ni ate gurl nyo! alam mo ung gusto na nya magpakita sa earth! labas na labas na sya. Akala nya ata malamig dito, init init kaya! haha
Sleep - Since, napakalikot na nga nya hindi maiwasan na magising ako. Pilit ko man matulog nagigising ako eh, sabi din kasi nila matulog ng matulog kasi mapupuyat! eh paano? kung may laging nag kakarate sa loob ng tyan mo? haha
Food cravings - Same parin ang gusto ko, palaging matamis. Siguro ang mas naalala ko talaga gusto kong palaging kinakain at iniinom, Milo at cream-o grabe! adik na adik ako dun. Kaya siguro iba ang energy ni Baby, super likot kasi naman naka Milo everyday! haha
Symptoms - Naku matindi talaga ang heartburn ko! ewan ko ba kung bakit ganun?! sinasabi ko palagi un sa OB ko, kaso advice palagi nya sakin since maselan nga ako tapos ung pag heartburn ko feeling ko OA sa sakit, eh nireresatahan nya ako ng gamot. Eh minsan ayaw ko inum ng inum eh! Kaya tiis tiis nalang.
Weight - To 49kg naging 59kg ako grabeh! haha 10 kg ang nilaki ko na sabi ng OB ayos lang daw un, maliit pa daw un so keribells lang. hehe
Energy - Nagbago ng kaonti ang energy level ko, dahil biglang laki ko nga, sobrang bigat ilakad ng mga paa ko na dapat nga naglalakad-lakad na ako. Kaso paano? hingal na hingal ako tapos ang sakit talaga ng paa ko tapos ung legs ko kapag inuunat ko kapag nakahiga ako naku napaka sakit daig ko pinulikat!
Bed rest - Kontang-kota ako kaka-bedrest as in! eh kasi naman sa pagkakatanda ko eh parang dinugo ako ng konti lang naman! Pero sympre hindi lang naman ako ang praning na baka may mangyari sakin na masama pati ang OB ko. Talagang alagang alaga nya ako, kaya nakakatuwa.
Yan ung mga naranasan ko sa third trimester ko at dahil hindi naman dyan nagtatapos ang lahat ikwento ko narin ang unexpected na panganganak ko! yes medyo unexpected na slight!
Ganito kasi un, usapan namin ng OB ko na pwede na ako manganak ng ika-37 weeks ko, sa natatandaan ko ganung weeks ako nanganak haha pasensya na kayo naging makakalimutin na talaga ako ngayon eh so weird! but anyways, ayun nga bago ako mag 37 weeks eh pinainum na nya ako ng gamot para makapanganak ako agad. Ang sabi nya pwede na ako manganak ng October 17, pero that time wala naman akong nararamdaman na kahit na ano as in.
Nagpunta kami ni Papang ng October 18 for checkup kasi kailangan nya din ako e- IE pero bago yang may nauna pang IE na naganap kasi nga dun sa mga nararamdamn kong sakit. Pero that time maaga pa so wala lang daw un, hindi pa open cervix. So aun nung October 18 nagpunta na kami kay OB, usap usap, kwento kwento, tapos nag IE na sya that time wala naman kakaiba sa nararamdaman ko. Pero after IE sabi nya 5cm na raw ako! OMG! medyo shookt ako eh pati sya kasi as in chill lang ako wala na kahit na anong nararamdaman.
Kaya naman that day sabi nya sakin, umuwe na muna ako at kung sumakit ang tyan ng mga 2:00 PM eh bumalik ako agad, pero dapat bumalik ako ng mga 4:00 pm kasi kailangan ko na raw i-admit na. Dumaan ang 2:00 waley naman ako nararamdaman, so ayun mga 5 na ata kami dumating. Nagtataka parin sya wala parin daw ako nararamdaman eh nung IE nya kasi ako ulit nag 6cm na. Kaya ayun ang ginawa nila sakin nilagyan na nila ako ng dextrose tapos nilagyan ng gamot na pampahilab.
Ang tagal tagal namin nag antay, nakaabang na silang lahat kaso chill parin ang mamshie nyo! haha as in walang sensyales na manganganak na ako. Habang nagaantay pa nga ako may mga kasabay akong manganganak din na nag la-labor na, nakikita kong halos yakapin na nya ung pader kulang nalang tanggalin nya ung pader. Pero ako chill parin hindi kasi ako natatakot pakiramdam ko kayang kaya ko yun sisiw lang sakin yan! nagbibiruan pa nga kami ni Papang, sabi nya Ma, mamaya ganyan ka narin oh! ako tumatawa lang haha
Sabi ng OB ko ang tagal daw humilab ng tyan ko kahit ilang turok na ng pampahilab, sabi nya kapag 9:00 ng gabi hindi pa yan humihilab puputukin na natin yang panubigan mo. So ako, wala naman akong alam sa mga sinasabi ni Dra. malay ko ba? pero sabi ko sa isip ko lang sa isip ko bakit ba sya nagmamadali eh wala pa nga?
Eto na nga dumating na ang 9:00 pm wala parin sumasakit. Dinala na ako sa room kung saan ako manganganak nung oras na un ang nasa room ako, si Papang, OB, Midwife and Nurse. Pinahiga ako sa kama tapos pinutok na ung panubigan ko, ang sarap sa pakiramdam sa totoo lang kasi ang init ng tubig na lumabas eh. Pero that time hindi sumabay sa paglabas ng panubigan ko ang Baby namin. Which is sabi nila dapat daw sabay, or dapat after nun eh senyales na lalabas na ung bata. Pero hindi, hindi parin sya lumabas.
Sabi ng OB ko after nya putukin ang panubigan ko, makakramdam na ako ng hilab, that time lumabas muna sila kami lang ni Papang ang natira sa room kasi nga wala parin eh hindi parin lumalabas si Baby. Tama sya nakaramdam ako ng sobrang sakit na hilab, that time pumasok na sila, pinapaire na nila ako ng matindi na hindi ko naman magawa ng full force. In short, hindi ako marunong umire! sa twing humihilab ang tyan ko every 5 minutes siguro ang interval nun, sabi nila un daw ang pagkakataon ko para umire. Pero mga Mamsh! hindi ko talaga kaya! nauubusan ako ng hininga!
Every hour minomonitor nila ako and everytime na makakaramdam ako ng hilab hindi ko talaga alam anong pwesto ang gagawin ko, at kapag humihilab ang lagi kong sinasambit ay Hallelujah In Jesus Name! kakaire ko sabi nila ung ulo ng Baby ko nakikita na nila. Nandyan na kinakausap na nila ako heart to heart kasi kawawa daw si Baby. Hirap na hirap ako umire kasi hindi talaga ako makhinga. Pakiramdam ko sa twing iire ako nawawalan ako ng hangin kaya hindi lumalabas ung bata! tinutulungan naman nila ako para lumabas si Baby, nandyan na dinaganan na ung tyan ko para itulak pero wala parin.
Ang tagal tagal kong nag la-labor sa totoo lang. Kaya sabi ng OB ko kailangan ko na raw ma-CS kasi ung ulo ng Baby sobrang tagal na nadun, halos 2 hours na raw, delikado daw un at sympre isa pa siguro na ang tagal narin pumutok nung panubigan ko. Nung sinasabi nila un sakin hindi ko alam ang iisipin at sasabihin ko kasi hindi ko talaga alam paano ilalabas eh. Sabi nila kapag 5:00 am hindi parin ako nanganak ma-CS na raw ako, sabi nga nila mahirap daw para sakin un kasi naglabor na ako tapos ma-CS pa.
Malapit na mag 5:00 am pero hindi parin ako na nganganak, umiiyak na ko kasi ang sakit sakit talaga. Ung sakit na walang katulad at hindi mo kayang mapaliwanag. Pero sabi sakin ni Papang, Ma kaya mo yan! Sa totoo lang bilib din ako sa asawa ko kasi kasama ko sya sa loob ng room, wala din syang tulog nun sya ung kinukuhanan ko ng lakas sa twing humihilab ang tyan ko. Sabi nya rin sakin na nakikita nya daw ung ulo ng anak namin sa twing pinipilit kong umire. And, inferness hindi sya nahimatay kahit nakakakita na sya ng dugo or what so ever that time haha
Eto na, dumating na ang 5:00 bumalik na ung OB and Midwife para i-check ako at talagang umaasa parin sila na normal ko mailalabas si Baby. Pinaire nila ako pero wala parin. That time talagang ma-CS na ako. Ang ginawa ko nanalangin ako sa Mahal na panginoon na patnubayan nya kami ng anak ko kasi ayaw ko rin ma-CS eh kasi doble na ang sakit na mararamdaman ko. Alam nyo ba? na biglang humilab ung tyan ko as in hindi na ako talaga nagsasalita pero nakita nila na magisa na ako umiire, kaya naman bigla sila nagmadali para pumwesto na, tinulungan din nilang itulak ung bata. Nung oras na un, nakaya kong umire ng bongga na walang kahirap hirap!nung oras na nganganak pala ako wala doon si Papang nasa labas sya. So nakasilip lang sya saamin.
Success! lumabas si Baby ng October 19, 2018 ng 5:26am. Pagkalabas nya nilagay sya sa dibdib ko medyo nagulat pa nga ako kasi parang initsya sya sakin haha ang laki nya as in! tapos may buhok na agad sya medyo makapal unlike me kalbo nung bata ako. Nung nasa dibdib ko sya nakatingin sya sakin thou alam ko di pa sya nakakakita pero nakatingala sya sakin. Naiyak ako sa part na un sabi ko sakanya, Sorry anak ah!? ang tagal ni Mommy! ang sarap sa pakiramdam. Ang tagal nya actually sa dibdib ko at habang nasa dibdib ko sya nakatingin ako kay Papang, masayang masaya kami. Ang daming sinasabi ng isip ko nun pero walang lumalabas sa bibig ko, katulad ng gusto ko sabihin sa OB ko na gusto ko magpapicture sa kay Papang habang si Baby nasa dibdib ko. Ay basta! pinasisihan ko ung time na hindi ko sinabi haha
After ko manganak tinitiganan ko kung paano ako tahiin, medyo amaze ako kasi di masakit eh haha habang tinatahi ako ung anak ko naman inaasikaso nung midwife, may nakakatawa pa nga eh kasi tinagilid nya si Baby tapos etong si Baby aba balik ng balik sa pagkakatihaya nya. Sabi tuloy ng midwife sakin, siguro Mommy etong anak mo malikot sa tyan mo nuh? haha
Nung ililipat na ako sa room kung saan ako mag stay, pag tayo ko bigla akong nawalan ng malay. Mabilis lang un kasi nagresponse naman ako agad, kaya ginawa nila nilipat nila ako ng naka wheelchair. Nung nakahiga naman ako sa kama while nursing my Baby eh nakaramdam ako ng sakit ng tyan feeling ko na poops ako eh! So pagtayo ko nawalan nanaman ako ng malay! that time pagmulat ng mata ko ang dami ng tao sa harapan ko tapos ako nakangiti saknila sabi ko nakatulog po ako haha actually, alam nyo ba na naginip ako! un lang ung pakiramdam ko sa pagkawala ko ng malay, nanaginip lang. Eto talaga ang weird kasi dati iniisip ko dati anong feeling ng mahimatay so aun ngayon alam ko na. Tinanong ko ung OB ko bakit ganun ang nagyari sabi nya kasi sa dose daw ng mga tinurok sakin kaya ganun nararamdaman ko,
Isa pang weird, takot akong umihi or mag poops kasi nga may tahi ako iniisip ko mahapdi. Pero since di naman pwede hindi ako umihi nuh! sinubukan ko, tama naman pala sila hindi naman pala masakit haha totoo din makakalakad ka agad after mong manganak kaso sa part ko ang sakit nung sa bandang tailbone ko grabe! kaya pakiramdam ko ibang-iba ako sa mga nakaranas na ng normal delivery eh haha basta buong katawan ko napaka sakit! sabi ng Mom ko, ganun daw talaga kasi tao daw ung lumabas sakin, natural lang daw un. hehe
Oh sya! until next time mamsh!
Love,
Mommy Sasa