Ako, sanay ako na maraming pinapahid sa katawan at mukha ko. Feeling ko hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakapaglagay ng kahit na ano eh! ramdam nyo ba un mga loves? na parang may kulang kapag kunwari hindi ka man lang nakapag toner or moisturizer? ganern! haha
Kaya naman simula nung nabuntis ako, ang dami ko gusto malaman at ang dami kong tanong. Bilang soon-to-be-mom praning ako mga mamsh! na baka may magawa akong ikakasama ni Baby. Ang dami kong binabasa sa google at pinapanood sa youtube.
Sabi nila hindi lahat ng produkto ay pwedeng gamitin kapag buntis ka na, may mga sangkap na chemicals kasi na hindi makakabuti para kay Baby.
Naalala ko pa, nung first time ko mag checkup sa OB un ang unang-una kong tinanong kung ano ba ang bawal at pwede ko ilagay o gamitin. Tinanong ko na pwede ba ako mag makeup? pwede ba ako mag toner mga ganern! Medyo nahihiya pa ako nun kasi baka sabihin ang arteng buntis naman neto! pero sayang ang bayad mga mamsh! haha
So sabi ni Dra. bawal lang naman daw un mga products na may ingredients na may Parabens, Tretinoin and Retinoic acid mga ganyan! and yes kailangan natin mag basa basa muna ng bago tayo bumili at higit sa lahat magpalit ng mga ginagamit. Wala naman sigurong masama diba loves kung titiisin mo muna gamitin ang mga faves mo na products na talaga naman kinagaganda mo? haha
If you already read my previous post, alam nyo na nag karoon ako ng bonggang breakouts! as in mga mamsh! ang panget panget ko! Alam nyo ung pakiramdam na gusto mo ng salpakan ung mukha mo ng patong patong na foundation? haha ganern! Kasi pwede naman diba? na maging maganda at alagaan ang sarili habang buntis ka na walang masamang mangyayari kay Baby!?
So aun na nga! Gomora na ako sa supermarket, drugstore, department store (beauty section) etc. Para bumili! Pero sympre ang bilis ko mga mamsh bumili kasi kasama ko si Papang. Alam nyo naman ang mga lalaki mainipin yan, kahit kakahawak mo palang sa produkto eh akala mo ang tagal mo na agad! hindi pwede mamili? hindi pwede magbasa? ganern! kaya naman baka may nakaligtaan ang mga mata ko! na sana wala kasi nga hanggat maari nagiingat tayo divah!
Disclaimer lang mga loves! hindi ako OB o Dermatologist kaya naman itanong nyo muna sa OB nyo kung pwede din kayo gumamit ng mga ginagamit ko.
Number 1: Johnsons baby bath
I love body wash kasi mas smooth sa balat after wash bath. Kaya naman natuwa ako na etong baby wash ng J&J ay pasok sa banga! para syang ivory na body wash ganern!
Number 2: Johnsons baby lotion
Before ung lotion ng J&J hindi ko bet eh! ang lagkit kasi pero that was before ah! iba talaga ngayon ang gondoh nya sa skin! lakas maka baby! proms!
Number 3: Celeteque facial wash
Like ko tong celeteque bukod sa mura na madali syang mahanap tapos mild pa!
Number 4: Thayers toner or Human heart nature toner
Nung hindi pa ako buntis may ginagamit ako sa facelack ko na pak na pak ang bilis makakinis lalo na kapag kasagsagan ang sumpa! kaya naman ang hirap talaga nyang i-let go! pero since na hindi pwede naghanap talaga ako ng kapalit nya! etong si Thayers may kamahalan sa totoo lang! pero ang maganda sakanya safe na safe sya sa buntis mga mamsh! Si human heart nature maganda din at mas di hamak na mura sya!
Number 5: Iwhite aqua moisturizer or Celeteque moisturizer
At dahil acne prone nga si Ateng nyo nagiingat din ako sa mga moisturizer. Mas advisable kasi sa mga katulad kong may mga sumpa ay ung water base dapat ang ginagamit.
Number 6: Dove unscented anti-perspirant or Deonat deodorant
Kaya ako gumamit ng unscented kasi may mga iba kasi deo na masyadong mabango eh! meron naman sakto lang! Actually, kakaubos lang ni Dove, kaya gusto ko subukan etong si Deonat! mukhang okay kasi may aloe vera! haha
Number 7: Maybelline BB cream or Iwhite BB holic
Maka foundation naman talaga ako! para plakado, kaso may mga foundation na may parabens. May nabasa kasi akong article na mas safe daw ang BB cream kaya aun!
Number 8: Aztec secret indian healing clay mask
Sympre kung pagod tayo, pagod din ang face natin! kailan natin syang i-pamper! haha safe eto mga mamsh! dont worry!
Number 9: St. Ives green tea scrub
Minsan kapag gusto ko mag exfoliate ng facelack! eto ang ginagamit ko kapag sinisipag ako. haha
Number 10: Dermplus moisturizing sunblock or Cathydoll whitening sunscreen
Sympre hindi naman pwedeng hindi ka mag sunblock buntis! ang init init kaya divah! haha maganda tong dermplus kasi marami kang pagpipilian kung gusto mo SPF30, SPF80 or SPF100 and yes palavarn ang SPF nila! si Cathydoll kaya ko yan gusto kasi malamig sa face kapag nilagay.
So aun na nga mga Mamsh! If ever you have suggestions na gustong i-share saakin or kung may mga questions kayo feel free to comment down below!
Love,
Mommy Sasa