Early pregnancy symptoms
Monday, June 25, 2018So paano ko ba nalaman na buntis ako? ang tanong madali nga bang malaman na buntis ka? kahit hindi ka pa nag pregancy test?
Well, may mga babae talagang aware sa mga pagbabago sa katawan o sarili nila at sympre meron din hindi. Sa katulad kong may asawa na at naghahangad magkaanak marami akong mga paniniwala, marami rin din akong paasa moments sa buhay ko lalo na kapag ung period ko hindi pa dumadating.
So eto na! para wala na masyadong hanash! simulan na natin. Pero girls disclaimer lang ah? since iba iba naman tayo, maaaring iba ung mga naramdaman o naranasan ko sa mararanasan nyo. okay!?
Number 1: Missed period
Regular ang menstruation ko. May mga pagkakataon na delay talaga ako tapos magkakaroon ako bigla kailan umasa na ako, yes bes pati ako period mo nagpapaasa din na buntis ka pero hindi. Pero ngayon, early this year na delay talaga ako ng bongga! then, dumalaw si period ng katapusan na dati naman hindi umaabot ng ganoon. Mga mahigit 2 months delay ako nung nag pregnancy test ako.
Number 2: Swollen and tender breast
Eto ang pinaka kinagulat ko eh! nag ka dede ako! haha (Too Much Information) I swear loves! hindi ko maiipagmalaki ang mga twins ko! kaya talagang nagtataka ako bakit may nagbago na para bang umepek na ang breast massage ni Papang! char! (TMI ulit!)
Number 3: Darkening areolas
Makinis maputi siya pero bat ganun? Yes, mga bes umitim sila at lumaki ang bilog!
Number 4: Acne breakouts
Prone talaga ako sa pagkakaroon ng acne, pero may mga products akong ginagamit na hiyang ako at alam ko na un ung pinaka effective para mawala ang mga sumpa. Pero this time, napansin ko nun na kuminis na ung mukha ko bigla may mga maliliit na bumps sa noo ko na dapat wala na.
Number 5: Smell sensitivity
Hindi pa man ako buntis malakas na ang pang amoy ko. Pero this time tinalo ko pa ang K9 sa sobrang lakas ng pang amoy ko, ung tipong hindi naamoy ng mga kasama ko ako naamoy ko at naasiwa ako sa amoy na malansa as in!
Number 6: Mood swings
Kakaiba din ang mood ko, bigla nalang akong malulungkot tapos ang dali ko maiyak sa mga pinanonood ko, basta mga loves ang weird ng feeling. May time pa nga na maiinis ka sa tao na wala naman ginawa sayo! yes i know parang tanga lang! haha
Number 7: Headache
Sumakit ung ulo ko na akala ko kasi napuyat lang ako kakanood ko ng youtube! as in ung sakit akala mo pagod ako sa work o kung ano mang gawain sa bahay. Ganern!
Number 8: Backache
Eto naman, hindi ko masyadong pinansin talaga kasi madalas sumasakit un likod ko kasi may lamig lang ganern! so hindi ko un naisip talaga na isa un sa dahilan kahit napapadalas na sumasakit.
Number 9: Increased urination
Isa pa eto mga loves, hindi ko rin masyadong napansin. Kasi naman kung kilala nyo ako sa personal alam nyo na ung pantog ko pang 8gb lang siguro haha as in ihiin talaga ako. Pero this time akala mo lagi akong may balisawsaw. Kaka jingle ko palang ayan nanaman sya! hehe
Number 10: Fatigue
Sa totoo lang hindi naman dapat akong mapagod eh! kasi wala naman akong trabaho at masyadong ginagawa sa bahay! inisip ko pa nga nun na baka tinatamad lang talaga ako gumalaw galaw eh. Pero konting kembot lang parang pagod na ako gusto ko ulit nalang mahiga.
Nung nararanasan ko etong mga symptoms na eto, alam ko na sa sarili ko na buntis talaga ako, iba talaga sya kahit na sabihin na parang nakakalito kasi medyo mag katulad sila ng symptoms kapag magkakaroon ka na.
Sabi ko pa nga kay Papang na, feeling ko buntis ako. Pero ayaw nya rin umasa ayaw nya maniwala that time. So since ang last period ko ay January then hindi ako nagkaroon ng February, nag pregancy test na ako ng March and Boom buntis! haha and Yes, my loves ginawa namin si Baby ng February.
Osha! If ever you have question or suggestions feel free to comment down below. Thank you for stopping by! mwah!
Love,
Mommy Sasa
Love,
Mommy Sasa
0 Comments