Gender prediction test

Wednesday, June 27, 2018


Simula nung nalaman ko na buntis ako, isa sa mga gusto kong malaman ay kung ano ang gender ng baby namin. Kaya naman sa first trimester palang looking forward na ako agad na malaman kung ano ang gender nya. Since na hindi pa un malalaman agad ng ganoong kaaga. Nag search ako ng mga kasabihan na accurate daw thru internet.

Since wala naman masama lets try and have some fun! Then tignan natin ano ang magiging final result or ano ang pinaka marami! Pero sympre sa ultrasound parin natin malalaman kung ano ang gender ni Baby, excited lang talaga ako! haha
Usually kasi pwede mo na malaman kung ano ang gender ni Baby kapag 20 weeks or 5 months ka na, makikita na kasi un sa ultrasound dahil develop na ang genitals ni Baby. Pero para daw mas sure mga 28 weeks or 7 months sabi saakin ng mga kaibigan ko.

Number 1: Chinese calendar method
Hindi pa ako nag aasawa at nabubuntis naririnig ko na eto sa mga ka officemates ko, sobrang accurate daw. Karamihan kasi sakanila tama ang result. Sikat na sikat eto mga loves! kaya naman hindi ako nagpahuli eto agad hinanap ko. Base sa lunar age ko na 31 at conception month ko na February ang result sa chart ay BOY!



Number 2: Parents age
Nabasa ko lang eto sa internet naka base naman sa age ng Daddy at Mommy kung kailan nila nabuo si Baby. Ood+Ood or Even+Even = Girl. Ood+Even or Even+Ood = Boy. Si Papang ay 34 ako naman ay 29 so ang result ay 34+29 = BOY!

Number 3: Mayan calendar method
Eto naman parang katulad din ng sa parents age, pero para malaman mo ang gender ni Baby naka base naman eto sa age ni Mommy at month kung kailan sya nabuntis. Ood+Ood or Even+Even = Girl. Ood+Even or Even+Ood = Boy. Ang age ko nung mabuntis ako ay 29 at Feb. yun so 2 Ood+Even = BOY!

Number 4: Pregnancy cravings
Napanood ko naman eto sa youtube kapag daw si Mommy mahilig sa mga matatamis, babae daw. Kapag naman sa mga maalat, lalaki. Sa totoo lang nung mga first trimester ko iba iba hinahanap ko, minsan gusto ko ng matamis tapos biglang gusto ko ng maalat. Pero ngayon dumadalas talaga mas gusto ko ng sweets, lagi ko gusto ng mga donuts, pancakes, biscuits, chocolate at fruit shakes or choclate drinks. So GIRL!

Number 5: Glowing skin
Kapag maraming pimples babae at kapag makinis ay lalaki. Napansin ko eto sa mga pinsan at kakilala kong buntis na kasabay ko. Ang gaganda nila, samantalang ako eto ang dami kong pimples, mawawala tapos magkakaroon ulit. Isa rin eto sa naging basehan ko para malaman ko na buntis ako kasi nga prone naman talaga ang face ko sa pagkakaroon ni pimples pero since na may ginagamit ako that time nawawala kaya nagtaka ako bakit meron ulit. GIRL!

Number 6: Weight gain
Sabi nila kapag mabilis ka daw mag gain ng weight lalaki kapag naman hindi babae. Napansin ko na mas bumababa ang weight ko nung nabuntis ako kahit kain naman ako ng kain nung frist trimester ko 49 kg. lang ako then nung tumawid na sa second trimester naging 52 kg. GIRL!

Number 7: Urine color
Kung mag base sa color ng urine medyo mahirap yan kasi ng may iniinum na mga vitamins. Kapag daw kasi matingkad na color yellow lalaki kapag naman maputla babae. Saakin kasi madalas maputla sya. GIRLkaya?

Number 8: Skin darkening
Etong kasabihan na eto talagang sikat! na kapag maitim ung leeg, batok at kili-kili mo lalaki agad yan! Pero kapag hindi naman babae yun. Since marami nga akong kakilala nabuntis na at marami rin akong tinanungan napansin ko lang ah? hindi naman lahat talaga ganun. Kasi may pinsan ako wala daw sya naranasan na ganun eh, tapos meron kaming ka church mate nakita ko nangitim ung sakanya at akala ko nga talaga lalaki ung anak nya tapos nung nanganak sya babae. Ako naman hindi nangitim. GIRL!

Number 9: Morning sickness
Sabi nila kapag hindi ka daw masyadong nagsusuka o nahihilo lalaki daw. Pero kapag hirap ka babae naman daw. Ako kasi ung pagsusuka ko nung nung first trimester at sa tuwing mag toothbrush pa ako nun ah! Masama din ang pakiramdam ko na parang gusto ko lang magpahinga. GIRL!

Number 10: Belly shape and weight
Kapag daw patusok ang tyan ni Mommy lalaki daw yan! kapag naman bilog na bilog babae yan. Tapos kapag naman kasama sa pagtaba ng tummy mo ang braso at hita mo lalaki. Pero kapag tummy lang babae naman daw. Saakin kasi hindi patusok hindi rin tumataba ang braso at hita ko. GIRL!

IMG_0671

Whoa! its a GIRL?! sa totoo lang ang sabi ng instinct ko kahit hindi pa ako nun nabubuntis alam ko na sa sarili ko na boy ang una namin magiging anak! kahit pa sa both sides ng family namin gusto nila girl kasi wala pa daw girl sabi ng mga Lola! Pero kahit na ano pa yan, pinasasalamatan namin sa Mahal na Panginoon na biniyayaan nya kami ng anak.

Mga loves, try nyo din eto tapos chika nyo saakin ano result nung sainyo at kung may alam pa kayong ibang ganito chikabells nyo rin saakin ah? try ko din un haha

Osha! I will update you loves kapag may gender na si Baby! mwah!

UPDATE: If you want to know the gender you may click here!

Love,
Mommy Sasa

You Might Also Like

2 Comments

  1. may ginagamit ka po sa muka mo ng buntis ka?

    ReplyDelete
  2. 18 weeks pregnant na ako. at may mga tumubo mga pimples sakin gusto ko gumamit ng toner. kaso natakot ako bawal daw kasi

    ReplyDelete