Gender Reveal + Congenital Anomaly Scan
Monday, July 23, 2018Last week Papang and I went to the ultrasound clinic to undergo a congenital scan. Actually, I'm a bit nervous and excited kasi malalaman na namin if our Baby is developing normally and pati narin ang gender ni Baby T! Yey!
Actually, lumipat pala ako ng clinic so pangalawang clinic ko na eto mas malapit kasi eto saamin kaya sinubukan ko dito at okay naman, malinis, mababait ang staff lalo na ung OB okay sya saakin. Take note lalaki si OB pero hindi ka maiilang sakanya kaya dont worry mamsh!
They are located along E. Rodriguez katapat sila ng St. Lukes hospital. Meron silang 3D, 4D and 5D if you want mamsh mura lang! kesa sa iba and here's the other services.
Anyways, sa congenital anomaly scan na eto tinitignan ng OB-GYN ultrasonologist kung nasaan banda ung placenta mo, susukatin din nya ung head circumference, abdominal circumference at ung thigh bone, evaluate din nya ang spine, heart, stomach, cord, amniotic fluid, kidney and limbs. Makikita din sa ultrasound na eto kung suhi si baby or hindi. Medyo mas matagal etong ultrasound na eto compare sa mga nauna ko, it took 30 us minutes.
After ng OB sukatin at i-check lahat tinawag na nila si Papang para ipakita saamin si Baby. Pinakita saamin ang buong katawan nya pati internal organs nya. Masaya kaming nakikinig at tinigtignan sya sa monitor. Thank you lord all the results are normal, walang problema kay Baby except lang sa placenta ko na ganon parin katulad ng dati nasa ibaba parin at si Baby na suhi parin pero sabi naman saakin ng OB na wag akong mag alala kasi iikot pa naman si Baby. In jesus name sana umikot sya!
The fun part of the ultrasound is to know the gender of the baby! naku eto na mga mamsh nalaman na namin kung ano ang gender ni Baby T! Actually, last month pa nung nag pa-ultrasound kami nalaman na namin ang gender nya kahit na mag 5 months palang ako nun, sabi saakin ng OB mga 80-95% daw ang chance na un ang gender ni Baby so hindi pa sure though kitang kita na haha ang cute cute nga eh!
Maliban saamin na excited malaman ang gender ni Baby T, marami din nag aabang at humuhula base sa itsura ko at sa tummy ko kung ano ang gender nya! Nakakatuwa nga eh kasi excited din sila! Ako sa sarili ko alam ko na ang una kong anak ko ay baby boy pero ung family namin both sides gusto ay baby girl kasi puro lalaki na ang mga apo at pamanagkin. Pero sabi nga nila everything give thanks! So ayun na nga this time nalaman na namin ni Papang at ang galing kasi tama nga si OB sa nakita nya last month.
Isa lang ang masasabi ko sa family namin, Ay grabe kayo! ang lakas nyo talaga sa Mahal na Panginoon! lakas ng prayers nyo! haha
And, If you want to read my gender prediction post na nakakatuwa kasi tugma naman ang result you can click here!
Love,
Mommy Sasa
0 Comments