Maternity must haves
Monday, July 16, 2018
Well mamsh, I'm in my second trimester now! and I still have another trimester to go. Yey! Kaya naman I wanted to share some maternity must-haves with you!
Number 1: Maternity pillow
During my first trimester, naka-bed rest lang ako. Sobrang nakakangawit ang nakahiga maghapon magdamag, isabay mo pa ang hirap sa pag galaw kapag lilipat ka na sa isang side. Hirap din ako sa pagtulog kasi masakit that time ung sa bandang lower abdomen ko tapos sumasabay pa ang sakit sa likod ko. Kaya naman this maternity pillow is a lifesaver! promise mga mamsh! simula ng binilhan ako ni Papang neto nakakatulog ako ng mahibing.
Nabili namin eto ni Papang sa SM Cubao, Bloom ung brand name nya. Para saakin super sulit ng pillow na eto kasi ung quality nya maganda at hanggang sa manganak ako kay baby loves magagamit ko din eto for breast feeding.
Number 2: Maternity undergarments
Since I'm pregnant, everything is changing kasama na dyan ang twins ko na dati naman ay hindi noticesable haha at ang tummy ko na lumalaki every week kaya naman naghanap at bumili ako ng mga comfortable undergaments na suitable for me. These undergarments are one size only kaya gustong-gusto ko sila kasi pwede ko pa silang suotin after ko manganak.
Number 3: Water
Being pregnant you need to be hydrated kasi kapag hindi it will cause contractions kaya naku mamsh! kung ikaw ung tipo ng tao na hindi mahilig uminom ng tubig, Please mamsh uminom ka! Though, ako talaga halos naglalaway sa kape kasi coffee is life! pigil na pigil ako sa twing makakaamoy ako! proms!
Number 4: Prenatal vitamins
Umiinom na ako folic acid bago pa man ako nabuntis. Then, pinagpatuloy ko un until my first trimester. Now on my second-trimester naman ang iniinum ko Multivitamins, Vitamins C, and Ferrous Sulfate.
Number 5: Prenatal milk
Pati ang paginom ng prenatal milk ginagawa ko narin kahit hindi pa man ako buntis. Kaya naman ngayon na buntis na ako sanay na sanay na ako sa lasa. Actually, masarap sya! pero mas madalas ang bet ko na flavor ung chocolate.
Number 6: Aceite de Manzanilla
Like I said, I've been having a horrible pain on my lower abdomen and now in my second trimester, I'm having a heartburn everytime yan after ko kumain. Actually, dahan dahan lang ako kumain at after kumain hindi naman ako humihiga agad kasi napansain ko kapag mabilis ako kumain at hilata agad sa kama nag kaka heartburn ako ng matindi.
This Aceite de Manzanilla is for babies kaya safe sya for pregnant. Ung unang gamit ko neto bigay pa sakin actually ng asawa ng pinsan ni Papang, sabi nya ginamit daw nya un nung buntis pa sya kaya feeling ko talaga safe sya for pregnant kasi okay naman ung baby nya nung nanganak sya.
Number 7: Footwear
Wear a comfortable and safe footwear, sympre ayaw naman natin madulas o matapilok sa daan diba? Actually, pwede naman daw magsuot ng heels as long as madalas un ang lagi mong suot kesa sa flats. Ako, sanay akong mag heels pero since maselan ang pagbubuntis ko umiwas na muna ako sympre mas mabuti ng mag ingat diba mga mamsh!
Advisable ang mga flats na wala ng chenes chenes ung tipong isang suotan nalang kasi mamsh ang hirap kaya abutin ang mga paa para suotin ung may mga chenelyn na may lock or lace pa!
Number 8: Maternity clothes
Since my tummy is getting bigger I also need a maternity clothes that are comfortable and easy to wear. Mas bet ko ung mga clothes na stretchable at hindi makapal ang tela. Mabuti nga medyo marami akong damit na kasya pa sakin ngayon at nasusuot ko pa kaya konti lang ang binili kong dress.
Number 9: Sunflower oil
This is a new addition to my list actually! But as of now, I have no signs of stretch marks kaya sa totoo lang medyo late narin ako maglagay neto! Sabi ng iba, while they are pregnant daw lumalabas na raw ang mga stretchy nila ung iba naman after. So para sure lang ako diba? maglalagay na ako ngayon. Machika ko lang din! kaya talagang ayaw ko magkaroon ng stretchy kasi si Mudrakels ko wala nun! as in walang bakas! minsan nga naisip ko baka ampon ako kasi naman ang kinis nya haha charot! Pero serioulsy, gusto ko katulad ako ni Mama. :)
Number 10: Pregnancy mobile app
I really love this mobile application, kasi sobrang nakaka aliw! everyweek makikita mo ang pagbabago na nangyayari kay Baby. Ang dami din mga insights and forums kaya marami kang matutunan. If you also want to monitor your self and your baby pwede rin mag lagay ng personal health note.
Eto ngayon si Baby loves, Week 23 na kami! Yey! Next post chika ko naman sainyo mga hanash ko about sa aking second trimester experience. :)
Love,
Mommy Sasa
1 Comments
Hello mommy Sasa, thanks for sharing, it will help me alot since im a new mom to be. Im 17 weeks. Do you have facebook po? I want to follow you to learn more about pregnancy. Stay healthy and safe po. God Bless
ReplyDelete