The first trimester
Thursday, July 12, 2018I know this is late for me to share to you mga mamsh ang aking first-trimester experience, kasi nasa second trimester na ako ngayon pero sabi nga nila " It's better late than never".
The first time I knew I was preggerz, pinakiramdaman ko ung mga pagbabago sa katawan ko. As in mula ulo hagang paa, ung tipong araw araw may nagbabago sa katawan ko at super na-amaze ako.
Pero hindi lang pala un ang dapat kong asahan, kasi pati sa mga nararamdamang sakit ng isang buntis ibang iba din eh! As in mga mamsh, hindi talaga sa lahat ng oras comfortable sa feeling. Though, every time may nararamdaman ako ang takbuhan ko talaga si google at youtube para malaman ko kung natural lang ba un sa isang buntis.
During my first trimester, talagang hirap ako. Kasi sumasakit ung sa may bandang lower abdomen ko, pakiramdam ko gusto nyang lumabas sa may bandang pempemko mga mamsh! Madalas sumasakit kapag gabi na, as in napapa ungol ako sa sakit kasi iba talaga ung sakit nya na para bang may malalaglag. Nagaalala nun si Papang kasi sabi nya para hindi daw natural ung nangyayari sakin, sabi nya tawagan na daw namin ung OB ko para magtanong.
Minsan may mga taong nagsasabing sakin na "Ay, natural lang yan na sumasakit" pero ikaw sa sarili mo alam mo na may something. Sa una naniwala naman ako na natural lang talaga ung hirap na naramdaman ko, iniisip ko nga baka nagiinarte lang din ako kaya tinitiis ko pero nag aalala ako hindi sa sarili ko kung hindi kay Baby.
Ang sabi nila, sa first trimester mahirap talaga ang stage na yan kasi pwedeng mawala si Baby kapag hindi ka magiingat. Medyo praning pa nga ako nun eh, kasi everytime na mag wiwi ako lagi kong check kung may dugo or something.
Then, nakaranas din ako ng nausea ng very very light! buti nalang light lang, unlike sa iba grabe yan! saakin sandali lang naman. Ang selan din ng pangamoy ko lahat ata saakin nun mabaho lalo na ung isda, ang lansa-lansa ng amoy kahit mild lang sa iba saakin iba! pati pala mga dogs namin ayaw na ayaw ko sila makita kahit cute naman sila. Weird! Tapos gustong-gusto ko ng mga food na may cheese, so maghahanap kami ni Papang ng carbonara aba! kapag kakainin ko na ayun ayaw ko na! haha kaloka!
When I ask my OB na bakit masakit ung sa bandang lower abdomen ko, ang sabi nya kailangan nya daw ako i-ultrasound para makita daw bakit ganoon nararamdaman ko. So aun na nga, while na inu-ultrasound nya ako nakita nya that time na ninigas at namamaga ang tummy ko sa loob. She actually ask me muna kung ano nararamdaman ko that time, kung naninigas nga ba? so sabi ko yes po, then ipinakita nya nga sakin ung nakikita nya sa ultrasound. She also told me na ang liit ng space ni Baby sa tummy ko dahil doon sa namamaga na hindi naman dapat ganoon. So tama ako may something nga! I mean someone na nahihirapan sa loob ng tummy ni Mommy Sasa, kawawa naman si Baby T.
Sa totoo lang nakakapag alala at natatakot ako that time pero nilakasan ko parin ang loob ko. Niresetahan ako ng OB ko ng gamot para inumin ng 7 days na pangpapakapit at may suppository din akong gamot para mawala ung pamamaga sa loob ng tummy ko. Medyo hassel para sakin ung suppository kasi naman bawal ka ng umihi nun kasi masasayang ung gamot na nilagay mo, eh diba? nga kapag buntis ihi ng ihi. Bed rest din ako nun for one week. Nanampalataya ako sa Mahal na Panginoon na magiging okay si Baby at mawala ung pamamaga na yun para mag ka space na sya. Super pray ako mga mamsh! kasi first baby namin sya at alam ko binigay sya saamin ng Mahal na Panginoon.
For me, the best talaga ung pakiramdam na makitang healthy si Baby. Sa totoo lang excited ako palagi every month mag pa ultrasound at mag pa checkup kasi nakikita ko sya tapos naririnig ko ung heart beat nya.
0 Comments