Ukay-Ukay in Anonas + How to control yourself from buying things

Tuesday, July 17, 2018

I'm bored and one thing comes to my mind is to go somewhere na marami akong makikita na masarap sa mga mata ko, ung bang aliwin lang ung sarili ko na masabi lang na nakagala ang buntis yun lang masaya na ako.


Inaya ko si Papang sa ukay-ukay sa Anonas, Cubao kahit alam ko napipilitan lang sya! hindi nya kasi bet magpunta kung saan saan lalo na sa mga pagkakagastusan ng mga mamshie na katulad natin na mahilig tumingin-tingin kuno pero ang totoo bibili talaga! haha


Actually, medyo nakakainis din kasama ang jowa o asawa sa mall or sa mga lugar kung saan tayo makakabili ng gusto natin kasi naman mga kontra bida! NKKLK! katatapak mo palang sa mall gusto deretso ka na agad sa bibilhan tapos para kang inoorasan kapag nandun ka na sa loob at hihingen mo pa ang permiso nya na kung pwede mo bang bilhin un o bagay ba eto sakin? mga ganern! char!


Well, theres always a good side of it, na may kasama kang nag control sayo gumastos ng mga hindi mo naman talaga kailangan! minsan kasi diba mga mamsh pakiramdam natin na kailangan natin ung  bagay na yun tapos biglang hindi naman pala talaga natin mapapakinabangan?

The ultimate lesson na natutunan ko sa asawa ko ay magtipid na huwag bumili ng bagay na marami ka naman. Which is true ano? halimbawa, bumibili tayo ng damit kasi pakiramdam natin ung nabili natin last month eh luma na yun o nasuot mo na yun. Ayaw mo kasi ng paulit-ulit! ganern!


It's my first time to go there in Anonas, before nadaanan na namin eto ni Papang nung may pinuntahan kaming seminar. Hindi ko alam na ang gaganda at ang dami palang ukayan dito! Ay naku mga mamsh! ang saya saya ng mga mata ko! pero mabilis lang ako namili promise! tingin dito tingin dun!

First stop namin na ukayan ay ung mismong nasa LRT station, meron na agad dun paglabas mo palang ng station. Dalawang tindahan ung nakita ko doon, ang hindi lang ako sigurado kung may iba pa. Then after namin sa LRT station gomora kami sa kabila building.


They have 3 floors for ukayan, sobrang daming pagpipilian dito mga mamsh! Ang bet ko dito sa building na eto ay ung mga gowns, ang gaganda nila. Meron din shoes, bags and accesories. Since maraming tindahan sa loob ng building iba iba din ang price range, at ang pinaka mura kong nakita ay P10.00 Yes! sampung piso! ;)






Ang dami diba mga mamsh! So malamang ang tanong nyo saakin ngayon ay ilan piraso ba ang nabili ko? nakamagkano ba ako? ang sagot ay ISA lang. Yes, mga mamsh sa dami dami ng mapapagpipilian at pasok naman sa budget nakaisa lang ako! haha

Una palang na naisip ko na pumunta ng ukayan sabi ko dapat alam ko na kung ano ba ang hinahanap ko, ano ba ang kailangan ko at ano ba ang gusto ko. Kasi diba? ukayan yan, mura yan eh! hindi mo iisipin na mapapahal ka ang iisipin mo nakatipid ka. Ang sabi ng ni Papang "Mas mura kung hindi ka bibili"

Kung kilala mo ako personally, ako ung tipo ng babae na mahilig pumunta sa mall at bumili, magkaibang magkaiba kami ni Papang. Pakiramdam ko kapag naka sale may fiesta! ang saya sa pakiramdam kaya kapag naka 50% off ung gusto mo diba? Pero sabi nga ni Papang sakin "Hindi porket naka sale bibili" Whoosh! daming alam ano!

Seriously, kahit ako shookt din sa sarili ko! biruin mo? hindi ata kami umabot ng isang oras para libutin at halukatin ung sandamakmak na mga damit dun! Tapos isa lang ang binili ko? Sa totoo lang ang dami kong gusto at ang daming kong gustong bilhin pero ang nasa isip ko hindi ko un masusuot eh! hindi ko kailangan sila for now! maybe next time bawi ako! :)

Osha! Maulan ngayon, keep yourself dry! Ingat Mamsh!

Love,
Mommy Sasa

You Might Also Like

0 Comments