How I got pregnant
Wednesday, July 04, 2018
"Paano ba mabuntis agad? ano ba ang dapat kong gawin para mabuntis ako?"
Ilan lang yan sa mga tanong ko. Ilan beses din akong umasa na mabuntis. Ilan beses din ba akong bumili ng pregnancy test dahil delay ako ng ilang days lang naman.
May ilan tao rin na palaging nangangamusta kung buntis na ako, sila din nag aantay! Ang dami ko rin ingit sa katawan sa twing makakakita akong kakilala na nauna pa saakin nabuntis! alam mo ung feeling na nauna ka naman nagka lovelife kesa sakanya! charowt!
Halos mag 3 years na kaming magasawa ni Papang at ang 2 years pa doon ay hindi kami magkasama sa iisang bahay. Inshort LDR kami. Every weekends lang kami nagkikita, gagala kami ng Saturday kasi tanghali na sya makakauwe galing work tapos kapag Sunday naman mag church pa kami. Ganun kami!
But now, the good new is work-at-home na si Papang at ako naman tumigil din sa pagwowork. Yehey! may time na kami para sa isat-isa! haha Oh diba ang saya lang!
Number 1: Mentally, Physically, and Financially prepared
Mentally. Dapat pareho nyong gustong magkaanak mga mamsh! hindi pwedeng ikaw lang! hindi kayo makakabuo nyan! charowth! haha
Physically. Bilang ikaw ang magbubuntis, dapat healthy ka at alam mo na kakayanin ng katawan mo.
Financially. Hindi ka pa nabubuntis at hanggang sa mabuntis ka ay gagatos ka! Mula sa checkup, laboratory, vitamins at pagkain mo. Konting kembot lang gastos ganern!
Number 2: It takes time and please take a rest!
Sobrang swerte ng ibang babae na isang shoot lang ayun pregs na! pero sa mga katulad natin na talaga naman naghahangad ng magkaanak, atat na tayo anuh? feeling natin malapit na tayo mag menupause kaya need ng humabol tapos kasi mag 30 years old ka ang hirap ng habulin ang mga junakis kapag tanders ka na ganern! pero alam nyo bang habang nagmamadali lalong tumatagal? at habang nagmamadali napapagod. Kaya wag kayong ma-stress!
Isa sa mga dahilan ko kaya ako nag resign kasi gusto ko magkaanak, pakiramdam ko kailangan ng katawan ko magpahinga. Alam ko kasi sa sarili ko na hirap talaga kami makabuo. Pero sympre mga mamsh hindi ko naman sinabi na mag resign din kayo ah? haha pahinga lang kayo, wag kayo mag overtime masyado, maaga kayo matulog mga ganyan!
6 - 8 hours of sleep are important mga mamsh! kailangan may energy tayo sa bawat laban! haha
Number 3: Healthy food
Nung nag wo-work pa ako, mas madalas na kinakain ko ung mga pagkain sa mga fastfood chains, mga pagkain na more on preservatives mga ganyan! Diba? hindi healthy yan! madalas din akong umiinom ng softdrinks.
Kaya naman simula ng mag resign ako at palagi akong nasa bahay ang madalas na ulam namin ay fish and veggies. Minsan lang kami mag chicken and pork sa isang lingo at sobrang madalang kami mag beef. Hindi narin ako umiinom ng softdrinks, more on water lang ako. Palagi rin ako kumakain ng prutas.
Isa din sa nakatulong saakin ang malungay, kasi hindi lang namin un inuulam. Ginagawang powder malungay kasi ng Mom ko un. Ibig sabihin kapag powder na sya pwede na namin ihalo un sa mga inumin namin, katulad ng kape at gatas o kahit na ano pang trip mo pwede un. Ang tubig naman na mainit na ginagamit namin ay dahon ng guyabano.
Number 4: Exercise
Sa dati kong work mas maraming oras na nakaupo ako. Kung mag kakaroon ako ng time para mag exercise kailangan maaga akong gumising para makapag gym kasi libre un sa office namin before at kung gusto ko naman mag zumba pwede din after office basta hindi busy pwedeng hindi ka mag overtime para naman mabawasan ang mga tabang bumara sa tyan mo haha
Ngayon na marami akong time mag exercise, mas pinili ko parin mag walk nalang every morning. Kasama ko ang asawa ko na naglalakad-lakad at para narin mag paaraw. Effective naman mga mamsh!
Number 5: Hilot
Twice akong nagpahilot, mababa daw kasi ang matres ko kailangan itaas para daw magkaanak. Ung una kong pagpapahilot parang wala lang as in! ang weird pa nga eh! kasi paa ba naman ang ginamit nya para daw un maitaas ang matres ko. After nun parang sumakit pa nga eh! ung pakiramdam na kapag magsusuot ka ng heels eh parang malalag ung matres mo! ganung feeling mga mamsh! Inshort, walang epek mga mamsh! Kaya hindi na ako umulit.
Nung pangalawa kong magpapahilot ibang tao naman. Sobrang galing nya maghilot as in! ramdam ko na talagang itinaas nya ung matres ko! as in habang itinataas nya ung matres ko pinahawak nya saakin kasi tinuturuan nya ako, alam mo ung feeling na may gumalaw na laman loob sa katawan mo ganun! haha Sobrang sarap nya mag hilot, halos buong katawan ko minasahe nya. Nakaka relax. Tapos habang hinihilot nya ako, tinuruan nya ako ng tamang posisyon para makabuo kami ni Papang. After nung hilot nagpainit sya ng tubig ng may dahon at sorry hindi ko na tanda anong dahon un haha tapos pinaupo nya ako na nasa harapan ko ung mainit na tubig habang may kumot ako na nakataklob sa ulo ko. Parang kang ini-steam ung peg ganern!
Number 6: Pills, Vitamins and Prenatal milk
Sabi saakin ng manghihilot, try ko daw uminom ng pills ng isang buwan. Effective daw kasi un kapag itinigil ung paginom mabubuntis ka daw.
Vitamin C, Vitamin E and Folic acid ang iniinum ko. Sabi kasi nila effective daw un sa mga gustong magbuntis. Effective naman.
Pati pag inom ng prenatal milk ay effective din.
Number 7: Sex Position
Harmony. Yan ang tawag sa sex position na effective para mas mabilis mabuntis. Eto ung para kayong naka missionary position, tapos may unan sa bandang pwetan mo at nakataas ung mga binti mo. Hays! hirap explain neto anuh! haha sige go try mo nalang search sa google ang harmony!
Usually kasi nakakaramdaman ng pagihi after magtalik kaya naman bago palang kayo mag umpisa umihi ka na mamsh! kaya pagkatapos nyo wag kang tatayo agad at wag kang iihi. Pwede kang tumayo after 30 minutes or 1 hour. Then, itaas mo ang mga legs mo sa wall habang may nakalagay na unan sa pwetan mo.
Number 8: Three times a week
Sympre importante na may sex life kayo ni Jowa kasi walang mabubuo kung wala charowt! Mas mataas ang chance na mag ka baby kayo kapag mas madalas kayo mag make love.
Number 9: Fertility
Sa pagkakaalala ko ah? nagbilang ako ng 10 days from the day na nagkaroon ako up to end ng period ko. Para malaman ko kung fertile ako. Naka tsamba naman ako!
Number 10: Pray
Mahalaga na laging manalangin kasi kahit ano pang gawin natin kung hindi naman tayo nanalangin at humihinge ng pagpapalang magkaroon ng anak sa mahal na panginoon eh balewala rin kahit gawin mo pa lahat na sinabi ko sayo! haha Mas masarap kaya sa pakiramdam na ung panalangin mo ay binigay sayo diba?
Say Hi to our Baby loves!
Sarap mga mamsh makita na may Baby sa loob ng tummy promise!
Osha mga mamsh! if ever you have question or suggestion feel free to comment down below!
Love,
Mommy Sasa
0 Comments