Musing of a soon-to-be-mom
Friday, July 27, 2018Last Tuesday night I had blood spotting pero super light lang, pero I honestly can't help myself not to worry about it. Being a soon-to-be-mom slash exacited-to-be-mom umiyak ako kasi natakot ako. Natural lang naman siguro un diba? After I saw a spot of blood sa tissue, pinakiramdaman ko sarili ko if may masakit ba sa tummy ko pero wala naman as in, but still worried parin ako. Kasi naman I'm already 25 weeks na, konting kembot nalang.
While crying in our bed, Baby T is kicking and moving so hard maybe she knows that I'm so worried and scared. Maybe she wants me to calm down and telling me that "Mom, I'm still here and okay!" On that moment, hinawakan ko ung tummy ko tapos kinausap ko sya na kumapit lang sya at magiging okay lang kami.
That night Papang told me not to worry kasi nga nararamdaman daw ng anak namin un, ang mas mabuti ko daw gawin ay sabihin ko sa OB ko ang nangyari. si Papang sobrang kalma nya, siguro kasi baka kapag nag panic sya mas lalo akong magaalala.
So I texted my OB, she told me that I need to bed rest daw muna and she also monitor me until Wednesday kasi baka magtuloy-tuloy. If that is the case, we need to set an appointment para i-check ako ng personal if mag continue daw ung spotting. So ayun na nga dumating ang Wednesday, meron ulit spotting pero mas konti kesa nung Tuesday as in parang tumalsik lang ung dugo after mong mainjectionan ganern! Kaya sinabi ko ulit kay Dra. sabi nya obserbahan ko daw at kung meron daw ulit kailngan na namin magkita kaya for the mean time niresetahan nya ako ng pampakapit at kailngan ko parin mag bed rest.
Last Wednesday, nag church kami kaya nagkaroon din ako ng pagkakataon na manalangin sa Mahal na Panginoon na pagingatan nya si Baby T, na wag sanang ipahintulot na mawala sya o anong mang masamang mangyari sakanya.
Yesterday, Thursday. I always check everytime ng mag wiwi ako if may spotting pa ba ako o kung may masakit ba saakin. Sobrang Thank you Lord kasi wala na akong nakita kahit katiting until this Friday wala narin. Though, medyo sumasakit ngayon sa bandang lower abdomen kapag naglakad o tumayo ako. Kaya mas madalas nakahiga ako para maiwasan ang pagsakit. Si Baby T, naman sobrang likot kaya nawawala ang pagaalala ko. Nakakatuwa!
I know this baby is a blessing from God kaya naman panatag ako na malalagpasan namin eto. Minsan iniisip ko na lahat ng pagpapala samin ng Mahal na Panginoon talagang hindi madaling makuha, talagang paghihirapan mo, magaantay ka sa tamang panahon para dumating at ibigay sayo ang lahat. So that I know this blessing is the best time for us, eto ung right time na binigay ng Mahal na Panginoon para bigyan kami ng chance to be a parents.
"Fear thou not; for I am with thee: be not dismayed; for I am thy God. Isaiah 41:10
Love,
Mommy Sasa
0 Comments